BIG winners sa 41st Gawad Urian ngayong taon sina Joanna Ampil at Abra. Joanna received her Best Actress trophy for Ang Larawan, habang Best Actor naman si Abra sa pagganap niya sa Respeto.
Ginanap ang parangal para sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino nitong June 14, sa ABS-CBN Vertis Tent sa Quezon City.
Tinalo ni Joanna para sa Best Actress category ang ilang batikang aktres at co-nominees niyang sina Alessandra de Rossi (Kita Kita), Angeli Bayani (Bagahe), Gloria Diaz (Si Chedeng at Si Apple), Dexter Doria (Paki), Jally Nae Gilbaliga (The Chanters), Agot Isidro (Changing Partners), Elizabeth Oropesa (Si Chedeng at Si Apple), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Stella), Angellie Nicholle Sanoy (Bomba), at Malona Sulatan (Tu Pug Imatuy).
Napansin naman ang acting ng rapper-turned-actor na si Abra over other nominees in the Best Actor category na kinabibilangan nina Empoy Marquez (Kita Kita), Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles), Timothy Castillo (Neomanila), Noel Comia Jr. (Kiko Boksingero), Allen Dizon (Bomba), RS Francisco (Bhoy Intsik), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Sandino Martin (Changing Partners), at Justine Samson (Balangiga: Howling Wilderness).
Sina Alessandra at Empoy ang hosts sa Gawad Urian 2018 awards night. Ang 2018 Natatanging Gawad Urian ay iginawad sa jazz pianist, composer, arranger, at musical director na si Winston Raval (Vanishing Tribe). The musician has handled film scoring for over 20 movies, and he was honored as Best Musical Director for Ikaw Ay Akin in the 1977 Urian Awards. Narito ang mga nagwagi sa 41st Gawad Urian 2018:
Natatanging Gawad Urian - Winston RavalBest Film - Balangiga: Howling Wilderness Best Actress - Joanna Ampil (Ang Larawan)Best Actor - Abra (Respeto)
Best Supporting Actor - Dido Dela Paz (Respeto)
Best Supporting Actress - Odette Khan (Bar Boys)Best Director - Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy)
Best in Production Design - Gino Gonzalez (Ang Larawan)
Best Sound - Corrine de San Jose (Respeto)
Best Music - Khavn (Balangiga: Howling Wilderness)
Best Short Film - Kiri Dalena (Gikan Sa Ngitngit Nga Kinaladman)
Best Documentary - Victor Delotavo Tagaro at Toshihiko Uriu (Yield)
Best Editing - Lawrence Ang (Respeto)
Best Cinematography - Mycko David (Neomanila)
Best Screenplay - Christopher Gozum (Dapol Tan Payawan Na Tayug 1931)
-ADOR V. SALUTA