Ibinuking ni Pangulong Duterte na pangarap ng assistant niyang si Christopher “Bong” Go na maging senador balang araw, kahit pa paulit-ulit itong tumatanggi sa napabalitang kandidatura.

Tinukso ng Pangulo si Go tungkol sa ambisyong pulitikal nito sa oath-taking ng mga nanalong barangay chairman sa Region 4A sa Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes.

“Gusto niya patawag ng ‘Kuyang Bong Go.’ Ito gusto na ayaw, gusto naman pero denial,” sinabi ni Duterte, na umani ng halakhakan ng mga nakikinig.

“Pero ‘yung pangalan niya wala dito. Singit diyan oh, number three. Wala siya dito, eh. Pero isiningit niya dahil ambisyosa siya. Gusto niya maging senador,” dagdag pa ng Presidente habang ipinakikita ang kopya ng kanyang speech na nakasaad ang pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa event.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nasa lugar si Go, na matagal nang napaulat na kakandidatong senador sa midterm elections sa susunod na taon.

“Alam mo ito si Bong, do not ever think that he is loyal to me. I do not encourage even in the military and the police about nurturing personal loyalty. I do not need it actually,” sinabi ni Duterte tungkol kay Go, na personal aide siya simula 1998.

“I won the election and I’m just trying to do what’s expected of me. Si Bong, he does not owe me anything and, if at all, he is there to serve government interest, period,” sabi pa ng Pangulo.

-Genalyn D. Kabiling