Kahit na ayaw niya ng mahahabang biyahe sa eroplano, determinado si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na lumipad patungong Kuwait para pasalamatan ang gulf state sa paglalagda sa memorandum of agreement para sa kapakanan ng overseas Filipino workers nitong nakaraang buwan.

Sa kanyang pagtatalumpati sa Sta. Rosa, Laguna binanggit muli ng Pangulo ang pasasalamat niya sa Kuwait sa pagpayag sa mga kondisyon para maalis ang deployment ban ng OFWs sa Arab nation.

“That’s why I’m going to Kuwait. Huwag kayong mag-alala. I will just take the commercial flight just to say, ‘Salamat po,’ and then I’ll take the next available flight back home. Just to show our gratitude,” aniya.

Sinabi rin ng 73-anyos na Pangulo na nahihirapan na ang kanyang katawan sa mahahabang biyahe.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I simply at my age cannot manage a long haul [flight], 13 hours, 16 hours, mamamatay ako. Kaya ayaw ko na,” ani Duterte.

-Argyll Cyrus B. Geducos