NAKABALIK na sa Pilipinas ang batikang aktor na si Albert Martinez matapos ang mahigit isang buwang pagbabakasyon sa Amerika.

To relax and to recharge ang dahilan ng kanyang bakasyon. At higit sa lahat, para makita at madalaw ang una niyang apo na si Adalyn Riley.

Si Adalyn ang unang supling ng anak niyang si Alyanna, na sa Los Angeles na nakatira kasama ang mister na si Rey Macam.

Bago umalis patungong Amerika ay tinapos ni Albert ang lahat ng eksena niya sa teleseryeng The Good Son.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Bago pa man siya bumalik ay inabisuhan na ng ABS-CBN si Albert na may naghihintay na proyekto sa aktor. Kasama kasi siya sa powerhouse cast ng The General’s Daughter, na pagbibidahan ni Angel Locsin.

Kasama rin si Albert sa cast ng 72 Hours, isang maaksiyong handog mula sa Imus Productions.

Nagpapasalamat naman si Albert sa tiwala at magagandang oportunidad na ibinibigay sa kanya ng showbiz industry. Isa siya sa mapapalad sa industriya na hindi na kinakailangang makiusap magkaroon lamang ng proyekto.

Sa edad na 50, very much in demand pa rin at hindi nababakante si Albert.

-REMY UMEREZ