Naaresto na ng pulisya ang umano’y miyembro ng gun-for-hire syndicate na itinuturong isa sa limang suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan City sa Zaragoza, Nueva Ecija, kamakailan.

JUSTICE FOR FR. NILO! Dinagsa ng libu-libong tagasuporta at church leaders ang misa para sa libing ni Fr. Richmond Nilo sa cathedral sa Bgy. H. Concepcion sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kahapon. (ARIEL P. AVENDAÑO)

JUSTICE FOR FR. NILO! Dinagsa ng libu-libong tagasuporta at church leaders ang misa para sa libing ni Fr. Richmond Nilo sa cathedral sa Bgy. H. Concepcion sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kahapon.
(ARIEL P. AVENDAÑO)

I t o ang k inump i rma kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde at sinabing naaresto si Adell Roll Milan, minsan nang sumuko sa awtoridad dahil sa paggamit ng ilegal na droga, sa hideout nito sa San Isidro, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng gabi.

Paglilinaw ni Albayalde, isa si Milan sa limang suspek na pumatay kay Nilo sa loob the Nuestra Señora de la Nieve Chapel sa Barangay Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija,

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

noong Linggo, Hunyo 10, ng gabi.

Ayon kay Albayalde, nakatanggap ng impormasyon ang pul i sya h inggil sa pinagtataguan ng suspek sa Bgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija at agad sinalakay ang lugar, dakong 6:30 ng gabi.

Positibo umanong itinuro si Milan ng isang sakristan na isa sa mga bumaril kay Nilo.

Si Nilo ay binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki, na nakapuwesto sa bintana ng chapel, habang ito ay naghahanda sa para magdaos ng misa.

Nauna nang sinabi ng pulisya na ang dalawang bumaril kay Nilo ay kasama ng tatlong nagsisilbing lookout na sakay sa isang kotse na nakaparada sa layong dalawa hanggang tatlong kilometro mula sa pinangyarihan.

Posibleng umanong alitan sa relihiyon, pagtulong ng pari sa mga biktima ng pangmomolestiya at away sa lupa ang motibo sa pagpatay.

Kaugnay nito, dinagsa ang funeral mass ni Nilo sa Cabanatuan City, kahapon.

Pinangunahan ni Bishop Sofronio Bancud ang misa, na dinaluhan din ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia, bandang 10:00 ng umaga.

Ayon kay Bancud, nagpahatid na si Pope Francis ng pakikiramay sa mga naulila ni Nilo at ang mensahe ay ipinarating sa pamamagitan ng papal nuncio.

Matapos ang misa ay nagbahagi ng kani-kanilang karanasan at pagkakakilala kay Nilo ang kanyang mga natulungan.

Si Nilo ay ihahatid sa huling hantungan sa Cathedral Crypt ng St. Nicholas of Tolentine sa Lakewood, Cabanatuan City.

-FER TABOY at MARTIN SADONGDONG