HINDI lamang si eight division world champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang Pinoy na maghahangad ng kampeonato sa pinakamalaking boxing promotion sa Malaysia sa nakalipas na 43 taon.

Puntirya ni Jhack Tepora ang World Boxing Association (WBA) featherweight title sa pakikipagtuos kay Edivaldo Ortega ng Mexico sa supporting bout ng WBA welterweight title showdown sa pagitan nina Pacquiao at reigning champion Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Sa pamamagitan nina WBA president Gilberto Mendonza Jr. at ratings chairman Jose Oliver, inaprubahan ang 12-round title bout nina Tepora at Ortega.

Tangan ng 25-anyos na si Tepora, pambato ng Cebu City at nasa pangangasiwa ng Omega boxing gym, ang matikas na 21-0 record, tampok ang 16 knockouts, kabilang ang huling laban kay Lusanda Kumanisi ng South Africa sa East London may siyam na buwan na ang nakalilipas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hawak naman ng 27-anyos na si Ortega ang ring record na 26-1-1, kabilang ang 12 KOs. Sa huling dalawang laban, pinasuko niya ang dalawang dating karibal na sina Tomas Rojas at Filipino Drian Francisco.

Ang boxing promotions na tinaguriang ‘Fight of Champions’ ang pinakaimportanteng boxing event sa Malaysia mula nang matalo ni boxing icon Muhammad Ali via 5-round unanimous decision kontra oe Bugner to para sa world heavyweight championship noong Hunyo 30, 1975.

May dalawa pang championship na itinataguyod ng MP Promotions kabilang ang WBA light-flyweight title match sa pagitan nina Carlos Canizales ng Venezuela at Lu Bin ng China, gayundin ang 12-round duel kaama sina South African Moruti Mthalane at International nd Muhammad Waseem of Pakistan para sa International Boxing Federation (IBF) flyweight crown.

Isasabak naman ng host Malaysia ang pinakamatitikas na local fighters sa katauhan nina Muhammad Farkhan, Theena Thayalan, at Alman Abu Baker.