Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Army vs PLDT (men’s)

2:00 n.h. -- Tacloban vs Iriga-Navy (women’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:00 n.h. -- Pocari-Air Force vs BanKo-Perlas (women’s)

6:00 n.g. -- PetroGazz vs BaliPure (women’s)

BUMALIKWAS sa natamong pagkatalo sa first set ang Pocari Sweat at winalis ang sumunod na tatlong frames tungo sa 23-25, 25-18, 25-20, 25-22 panalo kontra Iriga-Navy para makamit ang solong pamumuno sa quarterfinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference nitong Miyerkules sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Bumawi ang Lady Warriors sa malamya nilang panimula upang mapataob ang Lady Oragons’ at maiposte ang ikalawang sunod na panalo sa single round quarterfinals kung saan pinaglalabanan ang huling dalawang semis slots.

“Pagdating ng second set, nag strong start kami, tapos ‘yung service namin, gumana. ‘Yun ang malaking factor namin sa second set, na-target namin ‘yung import. Timing siguro ‘yun, nawalan ng receive, nagdire-diretso hanggang sumunod na ‘yung offense namin. Noong una wala kaming pasa. Tapos basang-basa kami,” pahayag ni Lady Warriors coach Jasper Jimenez.

Pinangunahan ni import Maddie Palmer ang Lady Warriors sa itinala nyang 19 puntos, 15 digs, at 19 excellent receptions kasunod si Arielle Love na may 18 puntos, at local ace Myla Pablo na may 14 puntos.

Namuno naman si import Macy Ubben sa Lady Oragons sa naiskor na game-high 27 puntos.

-Marivic Awitan