Inulan ng reklamo ng mga galit na netizen ang social media account ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano habang inilulunsad ng kalihim ang bagong ePayment system para sa passport online application ng kagawaran, sa Taguig City, kahapon.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang karamihan sa mga netizen sa naranasan nilang pahirapang pagkuha pa lamang ng appointment slots sa online passport application site ng DFA.

“Passport online appointment system bulok!!! Pakiayos naman sir. Kakalabas nyo lang ng slot ubos na agad. Grabe may something na nangyayari sa ahensya mo. Paki-aksyunan,” himutok ng netizen na si Lee Azeema.

Reklamo naman ni Jose Reyes: “Natapos ang presscon ng hindi nasagot ang problema ng passport appointment. Pano lima nga kami sa pamilya mahirap mag pabalik-balik sa DFA. Ano ba yan?”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pinangunahan ni Cayetano ang paglulunsad ng ePayment system ng DFA sa Market Market mall sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, dakong 11:00 ng umaga kahapon.

Kaugnay nito, nagbukas din ang DFA ng 50,000 passport appointment slots kahapon.

Bukod dito ang karagdagang 50,000 slots na binuksan ng kagawaran bandang 9:00 ng gabi, kahapon.

Aabot din sa 10,000 slots ang binubuksan ng DFA simula Lunes hanggang Sabado, maliban lamang sa holiday, upang maasikaso ang mas maraming aplikante sa pasaporte.

-Roy Mabasa at Bella Gamotea