ANG pagiging mapagmatyag sa suicide warning signs ang maaaring maging susi para maisalba ang mga kaibigan o kamag-anak laban sa pagkitil sa sariling buhay, lahad ng opisyal ng Department of Health (DoH) nitong Lunes.

“Suicide is preventable. It’s just a matter of really recognizing the signs and symptoms early enough,” pahayag ni Health Undersecretary Herminigildo Valle nang makapanayam sa Quezon City.

Sinabi ni Valle na importanteng maging aware ang mga miyembro ng pamilya, sa lahat ng oras, kung delikadong magpatiwakal ang kanilang mga mahal sa buhay.

“Almost 90 percent of suicides have warning signs that you must be aware of,” sabi pa ni Valle.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, ilan sa warning signs ay ang hindi paggawa sa mga nakagawiang aktibidad, ang kagutuhang mapag-isa, kawalan ng interes, at iba pa.

Kung mapapansin ang mga nasabing sintomas, aniya, hindi dapat na iwanang mag-isa ang kanilang “depressed” na kapamilya sa gayong kondisyon at gawin ang lahat para maramdaman ng biktima ang kanilang presensiya.

Binanggit din niyang ang pagpapakita ng simpatya o ang simpleng pakikinig at pag-iwas na mahusgahan ang mga ito ay ang mga importanteng hakbang para mapigilan ang isang tao na kitilin ang sarili niyang buhay.

Samantala, sinabi rin niyang mahalaga ring maunawaan na iba-iba ang dahilan kung bakit nagiging depressed ang isang tao.

“Some can be due to feeling of failure especially if they are known to be top achievers, or experiencing family trouble, unmet expectations, etc.,” sabi ni Valle.

Binanggit din niyang may mga kaso kung saan ang depresyon ay naiuugnay sa chemical imbalance, na nagreresulta sa pag-unti ng neuro-transmitters sa utak, gaya ng serotonin at norepinephrine.

Ang serotonin ay ang hormone na nakaaapekto sa mood at general sense ng well-being ng isang tao, kaya nagkakaroon ng anxiety o takot.

Sa kabilang banda, ang norepinephrine naman ay kemikal na lumalabas mula sa nervous system bilang tugon sa stress.

Inilahad din ng undersecretary na maaaring humingi ng professional help ang mga taong nakararanas ng depresyon, sa pamamagitan ng pagtawag sa HOPELINE (632) 804-4673, 0917-5584673, o 2919 toll-free para sa Globe at TM subscribers.

“We have this HOPELINE, which is like our distress phone line for mental illness, of which 20 percent of calls is about depression,” aniya.

Binuo ng DoH ang nasabing hotline, sa tulong ng World Health Organization, Globe Telecom, at Natasha Goulbourn Foundation.

PNA