SA edad na 41, wala pa sa bokabularyo ni dating ONE Featherweight World Champion Narantungalag “Tungaa” Jadambaa ang salitang retiro.
At kung may may nais humamon sa kanyang kakayahan, huwag maging biktima ng kanyang patibong.
“Age is just a number. Anything is possible if you work for it,” pahayag ni Jadambaa.
Itinuturing one-punch killer si Jadambaa sa kanyang career na nadungisan lamang nang mabawian siya ng mahigpit na karibal na si Marat “Cobra” Gafurov sa rematch ng kanilang featherweight match noong 2016.
Matapos ang kabiguan, naging tahimik ang career ng Mongolian star. Ngunit, taliwas sa kaalaman ng marami, hindi siya tumalikod sa sports bagkus naghandang mabuti para sa kanyang pagbabalik.
“After competing against Marat Gafurov, I thought that I needed to improve my wrestling and grappling skills, and my physical strength. Now, I think that I have improved myself even more than before,” aniya.
At matutunghayan kung kailangan na bang mamaalam sa sports si Jadambaa sa kanyang pakikipagtuos sa mas bata at sumisiikat na si Filipino hard-hitter Edward “The Ferocious” Kelly sa NE: PINNACLE OF POWER sa Hunyo 23 sa Studio City Event Center isa Macau, China.
Iginiit naman ni Jadambaa na handa siya para muling makopo ang kampeonato.
“I have been ready to fight anytime,” pahayag ni Jadambaa. “I am in good shape, and I am happy to fight again. My heart is driven to fight. I have been preparing new techniques, and I will show something new in my next fight. You can believe it.”
Marubdob ang hangarin niyang muling maging kampeon, ngunit sa kasalukuyan ang laban kay Kelly ang kanyang pinaghahandaan.
“I am only thinking about the fight with Edward Kelly now. If I beat him, I think it would be right to continue to fight, and it will motivate me to train more as a result,” aniya.
Higit at alam ni Jadambaa na nais ni Kelly na maipaghiganti ang kabiguan ng nakatatandang kapatid na si Eric sa kamay ni Jadambaa. Ang panalo ni Jadambaa kay Eric (44 second TKO sa first round) noong 2016 ang isa sa pinakamabilis na panalo sa kasaysayan ng ONE FC.
“I think he is strong, a good fighter. You can’t compare him with his brother. Stylistically, both of them are different. I have a tall order in front of me on 23rd of June,” aniya.
“I always think that I am ten years younger than my actual age, so age will not play a factor at all,” sambit ni Jadambaa.