ANG gobyerno, sa isang malinaw na reaksyon hinggil sa mga kumplikadong isyu na nakaaapekto sa Boracay, ay nagpatupad ng hakbang para ipamahagi sa mga katutubo ang ilang lugar sa isla bilang bahagi ng konsepto ng reporma sa lupa.
Habang walang argumento sa karunungan ng panukala, ang plano ay may ng hindi siguradong interpretasyon. Halimbawa, kakaunti lamang ang makikinabang sa plano. Ang hakbang ay deklarasyon na mahahati-hati ang lupa at ito ay maaaring ibenta sa mga korporasyon na gustong mamuhunan sa papaunlad ng tourist destination.
Ang plano na isailalim sa reporma sa lupa ang Boracay ay may depekto, kung hindi kakulangan. Dahil sa anyo at kabuuang heograpikal na pagsasaayos ng isla, hindi ito angkop sa pangmatagalang pag-unlad ng agrikultura. Ito ay dahil ang isla ay mabato at bulubundukin.
Ang paglilipat sa Boracay bilang isang repormang agraryo o isang sentro ng agrikultura ay talagang isang parusa para sa isla. Paano maipatutupad ng gobyerno ang isang mahusay na programa sa reporma sa lupa kung ang isla, dahil sa laki nito, ay angkop para paglibangan kaysa gawin itong lupang sakahan?
Hindi na kailangan pa ng isang rocket scientist para maunawaan na ang Boracay, sa pamamagitan ng lahat ng mga indikasyon, ay isang tourist destination. Kung bigo itong mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran, ang isyu ay hindi tungkol sa reporma sa agraryo, ngunit ang pagpayag ng mga opisyal na gumawa ng mga hakbang na salungat sa batas.
Ang hindi maikakatuwiran na ang pang-aabuso sa kapaligiran ay bunsod ng kapabayaan at maling pangangasiwa ng mga lokal at pambansang opisyal. Gayunpaman, ang mga paglabag na ito ay hindi maaaring gamiting kasangkapan para isailalim ang isla sa reporma sa lupa, dahil sa malinaw na hindi magiging mas produktibo ang lupa sa pagsasaka.
Napatunayan ng Boracay, bilang isang tourist destination, ang halaga nito sa gobyerno nang ipasara ito sa loob ng anim na buwan. At hindi maitatago na naiwanan ang mga katutubo, ang Aetas, sa pag-unlad ng isla. Ito ay dapat na isisi sa sinuman na ipinilit ang kanilang mga sariling interes sa kabila ng kawalan ng mga tamang dokumento.
Ang isla, bilang isang pandaigdigang lugar ng turismo, ay dapat na tingnan hindi bilang isang agrikultura. Sa halip, dapat itong mas linangin sa aspeto ng turismo. Kung maraming nilabag na batas, hindi ito kasalanan ng mga residente ngunit ng mga opisyal na pumapayag na abusuhin ang kapaligiran, sa kabila ng kanilang kaalaman na ito ay sa-lungat sa batas.
Sa katunayan, ang Boracay, sa kung anumang kadahilanan, ay isang revenue-generating tourist spot.
-Johnny Dayang