PANGUNGUNAHAN ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang may 150 local executives at sports leaders sa pagbubukas ng Women in Sports Congress ng Philippine Sports Commission ngayon sa Century Park Hotel.

Umaasa si Commissioner in-charge for women in sports Celia Kiram na sa pamamagitan ng nasabing Congress ay higit na mapagbubuklod ang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan.

“We hope that with this, we could help them align their programs with the PSC women in sports agenda,” pahayag ni Kiram. “I hope the seminar brings out the best in our women leaders, so they can continue to inspire those who look to them for guidance and inspiration,” aniya.

Ang Mexican at female leadership specialist na si Gabriela Muller-Mendoza ang siyang mangangasiwa sa nasabing dalawang araw na programa na inaasahang dadaluhan ng mga local at sports leaders.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, bukod sa nasabing event, magkakaroon din ng women in sports congress para naman sa mga lider ng indigenous peoples na magaganap sa Hulyo.

“Our target is to gather 500 women leaders in Bongao, the capital of Tawi Tawi,” sambit ni Kiram.

Ang nasabing proyekto ng PSC ay bilang pagtugon sa Republic Act 9710, na kilala rin sa tawag na “Magna Carta for Women”.

-Annie Abad