GINAPI ni veteran internationalist Marian Capadocia ang kapwa Philippine Team mainstay na si Clarisse Patrimonio, 6-3, 6-3, para makopo ang women’s single title sa 8th Makati Open tennis championship nitong Martes sa Makati Sports Club.

TINANGGAP ni Marian Capadocia ang tropeo mula sa organizers nang pagbidahan ang women’s single ng 8th Makati City Open nitong Martes.

TINANGGAP ni Marian Capadocia ang tropeo mula sa organizers nang pagbidahan ang women’s single ng 8th Makati City Open nitong Martes.

Napanatili ni Capadocia, No.1 sa Philta at tennis unified ranking, ang matikas na kampanya kung saan hindi siya natikim ng kabiguan sa match sa kabuuan ng torneo tungo sa pagkopo sa ikaapat na titulo sa torneo at ikaanim sa kabuuan ngayong taon.

“Steady lang po ang laro ko. Marami ding error pero mabilis naman akong makabawi. Iba rin yung lakas ng mga karibal ko, especially si Clarisse (Patrimonio), pero nakakasabay naman,” pahayag ng 23-anyos Arellano University athletics scholar.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Ready na rin po ako, pero hoping pa rin ako na makapag-train pa sa abroad bago ang Asian Games sa August.”

Kabuuang P30 milyon ang inilaan ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang budget para sa paghahanda at pagsabak ng Team Philippines sa Asian Games sa Agosto sa Palembang at Jakarta, Indonesia, ngunit hindi ito makapagbigay ng endorsement para sa training ni Capadocia bunsod nang hindi pagsumite ng Philippine Tennis Association (Philta) ng budgetary requirement para sa international training.

Matapos angkinin ang unang ITF Women’s circuit title (doubles) sa Bahrain nitong Marso, ratsada si Capadocia ng pagbidahan ang Brookside Open nitong April 17 sa Cainta, Rizal; bago nagreyna sa PCA Open nitong April 20 at Pinamalayan Open sa Mindoro.

Nanaig din si Capadocia, ranked No.976 sa WTA doubles, sa PSC-sponsored Philippine National Games sa Cebu City kamakailan kung saan nakamit niya ang singles at double title.

“I Thank God for the strength and to my family who always stood by my side. Sila ang lakas na nagbibigay sa akin para laging lumaban. Laban lang,” pahayag ni Capadocia.

Umusad si Capadocia sa championship round sa ikaapat na sunod na taon nang gapiin si Shaira Hope Rivera sa semifinals, 6-3-6-1.

Pinatalsik naman ni Patrimonio si Aileen Rogan, 6-2, 6-0, sa hiwalay na semifinal match.

Sa men’s division, nakabawi si SEA Games veteran Jason Patrombon sa malamyang simula tungo sa 4-6, 6-0, 6-4 panalo kontra Johnny Arcilla.