ANG Pambansang Bae na si Alden Richards ang nanguna sa Kapuso celebration ng ika-120 taon ng Araw ng Kalayaan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Maaga pa ng June 12 ay nasa Lapu-Lapu City, Cebu na si Alden dahil kasama siya sa flag-raising ceremony ng city government at ng Central Visayas Clashers, o ang mga finalist sa rehiyon para sa upcoming GMA singing competition na The Clash. Sa Liberty Shrine sa Lapu-Lapu City isinagawa ang flag-raising at nagmukha raw pulitiko si Alden habang naglalakad kasama ng city officials, base sa Twitter comments.

Nakapahinga naman si Alden after the celebration, at pinasaya naman niya ang mga fans sa GMA Regional TV Kapuso Fans Day sa South Town Centre, Talisay City sa Cebu pa rin, bandang 5:00 ng hapon. After the show, bumalik na rin sa Maynila si Alden dahil may taping naman siya kahapon, Wednesday, ng action-drama-fantasy series niyang Victor Magtanggol.

Sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, lead stars ng top-rating primetime series na Inday Will Always Love You, ay nasa Rizal Park, Iligan City. Naroon din ang Northern Mindanao Clashers ng The Clash, sa Robinsons Place Iligan, 4:00 pm.

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Si Benjamin Alves naman ang nasa flag-raising ceremony sa Pili Municipal Grounds sa Camarines Sur, kasama ang Bicol Clashers. May Kapuso Mall show din sila sa SM City Naga at 4:00 pm.

Si Maricris Garcia ang nasa flag-raising ceremony ng Bago City sa 1898 Historical Marker sa lungsod na nasa Negros Occidental. Kasama niya ang nag-iisang Clasher mula sa Western Visayas.

Si Migo Adecer, kasama ang South Mindanao Clashers, ang dumalo sa flag-raising ceremony sa Davao City Hall. Nagkaroon din si Migo at ang Clashers ng Kapuso Meet and Greet sa Abreeza Mall kinahapunan.

Sina André Paras at Joyce Pring, na co-hosts ni Regine Velasquez sa The Clash, ang kasama sa flag-raising ceremony sa Dagupan City, Pangasinan. Kasama nila ang Clashers ng North at Central Luzon. Nagkaroon din sila ng Kapuso Mall Show sa CSI Dagupan ng 2:00 ng hapon.

-Nora V. Calderon