Inakusahan ni Anakpawis Party-List Rep. Ariel Casilao ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “recycling” sa mga opisyal ng pamahalaan na sinibak ng presidente, dahil muli ring itinatalaga sa ibang posisyon ang mga sinibak dahil sa hinalang sangkot sa katiwalian at kurapsiyon.

“It is becoming a policy of the Duterte government to remove officials who were involved in anomalies, so as to contain public outcry and reappoint them to another [office] when the issue cools off,” sabi ni Casilao, na isa sa pitong miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara.

Para kay Casilao, ang ginagawang ito ng administrasyon ay “a clear case of cronyism”.

“If we stay silent against evident cronyism, we shall face a government composed of merciless, plunderous kleptocrats, who does not even have an idea of the poverty and misery the people is facing, and worse, works hard to preserve it,” ani Casilao.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ito ang naging reaksiyon ng kongresista sa napaulat na posibleng italaga ng Pangulo bilang board member ng Social Security System (SSS) ang fraternity brod nito at dating classmate sa law school na si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Aguirre noong Abril sa harap ng panawagan ng publiko kaugnay ng pagkadismaya mismo ni Duterte sa desisyon ng kagawaran na pawalang-sala ang mga hinihinalang big-time drug lords.

Pinangalanan din ni Casilao ang iba pang “recycled” na opisyal ng gobyerno, kabilang si Jose Gabriel “Pompee” La Viña, na sinibak bilang SSS commissioner noong Hunyo 2017. Abril 24 nang italaga si La Viña bilang tourism undersecretary, at naging agriculture undersecretary naman nitong Hunyo 6.

Si Melissa Avanceña Aradanas, pinsan ng long-time partner ng Presidente na si Honeylet Avanceña, ay itinalagang komisyuner sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) makaraang sibakin sa puwesto noong Disyembre 2017 dahil sa labis na pagbibiyahe sa labas ng bansa. Itinalaga siyang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council noong Marso 7.

“Similar to Aradanas, Commissioner Joan Lagunda was reappointed as environment assistant secretary last April, while commissioner Manuel Serra was reappointed as member of the Philippine Coconut Authority governing board,” sabi pa ni Casilao.

Tinukoy din ng kongresista ang kaso ni Celestina Dela Serna, na tinanggal bilang PhilHealth interim head nitong Hunyo 1, pero nananatiling miyembro ng board.

“Nicanor Faeldon, former Customs chief who resigned amid the P6.4-billion shabu smuggling [controversy], was reappointed as deputy administrator of the Office of Civil Defense in December 2017,” ani Casilao. “His co-involved Vincent Maronilla, Milo Maestrecampo, Gerardo Gambala, Teddy Raval, Ariel Nepomuceno were also reappointed to their respective posts.”

-ELLSON A. QUISMORIO