Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

1:00 n.h. -- AMA vs Chelu Bar

3:00 n.h. -- CEU vs Go for Gold

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

TARGET ng Go-for-Gold na manatiling makinang sa pagsabak laban sa matikas na Centro Escolar University sa tampok na laro ngayon sa 2018 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena.

Makakasagupa ng Scratchers ang CEU Scorpions ganap na 3:00 ng hapon pagkatapos ng unang laro sa pagitan ng AMA Online Education at Chelu Bar and Grill ganap na 1:00 ng hapon.

Puntirya ng Go for Gold na masungkit ang ikatlong sunod na panalo at sundan ang manipis na 89-88 desisyon laban sa Titans.

Sa kabila ng naitalang dalawang dikit na panalo, hindi pa rin kuntento si Scratchers coach Charles Tiu sa kanilang kampanya.

Nais niyang mas maging cohesive ang koponan para sa mga susunod na mabibigat nilang laban.

“No disrespect to the two teams we’ve faced, but it’s still like the preseason for us. We haven’t really had that much of games. It’s just our fourth game as a team and wala pa yung chemistry.,” pahayag ni Tiu.

Para naman sa katunggaling Scorpions, magkukumahog itong makabangon mula sa natamong kabiguan sa nakaraan nilang laban kontra Batangas na nagbaba sa kanila sa patas na kartadang 1-1, kasalo ng Marinerong Pilipino at Revellers.

Sa unang laro, ikalawang dikit na panalo naman ang target ng Revellers sa pagsagupa sa Titans na magsisikap namang makabangon mula sa natamong unang dalawang kabiguan para makaahon sa ilalim ng standings.

-Marivic Awitan