CAMP BANCASI, Butun City – Tinanggap ng Army’s 8th Infantry (Dependable) Battallion (8th IB) nitong Miyerkules ang mag-asawang New People’s Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan at nangakong tutulong sa kapayapaan at pagpapaunlad sa gobyerno, ayon kay 1st Lt. Erwin P. Bugarin, Civil Military Operations (CMO) officer ng 8th IB.

Kusang sumuko ang mag-asawa, sina "Ka Verdel" at "Ka Angie o Jamaica" na kapwa regular na miyembro ng Headquarters Force of the CPP-NPA North-Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng NPA, sa 8th IB headquarters sa bayan ng Impasug-ong, Bukidnon nitong Linggo ng hapon, ayon sa 8th IB CMO officer.

Upang patunayan na totoo ang kanilang hangarin, isinuko ng mag-asawa ang isang US Cal.30 M1 Carbine weapon sa command group ng 8th IB, dagdag ni Lt. Bugarin.

"I welcome the surrender of the couple and we ensure your safety and well-being," sabi ni Lt. Col. Ronald M. Illana, commanding officer ng 8th IB.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Mike U. Crismundo