Nananatiling suspendido kahapon ang klase sa ilang lalawigan sa bansa dahil sa patuloy na pag-uulang dulot ng habagat.

Sa inilabas na impormasyon ng Department of Education (DepEd), wala pa ring pasok hanggang kahapon sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bataan at Cavite; sa bayan ng Nasugbu sa Batangas; sa Olongapo City at Subic sa Zambales; at sa Navotas City.

Wala ring pasok mula pre-school hanggang senior high school, pampubliko man o pribado, sa Abra.

Habang wala namang pasok ang pre-school sa mga bayan ng Binangonan sa Rizal at Kapangan sa Benguet.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Lunes ay sinuspinde ng pamahalaan ang klase sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa dahil sa patuloy na pag-ulan na nagresulta sa malawakang pagbaha.

Wala namang pasok nitong Martes dahil sa paggunita sa Araw ng Kalayaan, habang wala ring pasok bukas, Biyernes, dahil naman sa Eid’l Fitr.

-Mary Ann Santiago