SEOUL/HONOLULU (AFP) – Inimbitahan ni Kim Jong Un si Donald Trump na bumisita sa North Korea sa kanilang makasaysayang summit at tinanggap ito ng US President, iniulat ng Pyongyang state media kahapon.

STOP THE WAR Sina North Korean leader Kim Jong Un at U.S. President Donald Trump sa Capella Hotel sa Sentosa Island sa Singapore, nitong Hunyo 12, 2018. (REUTERS/Jonathan Ernst)

STOP THE WAR Sina North Korean leader Kim Jong Un at U.S. President Donald Trump sa Capella Hotel sa Sentosa Island sa Singapore, nitong Hunyo 12, 2018. (REUTERS/Jonathan Ernst)

Nasaksihan sa unprecedented encounter sa Singapore nitong Martes ang pakikipagkamay ng world’s most powerful democracy sa third generation scion ng isang dynastic dictatorship, na tumayong magkapantay sa harapan ng mga bandila ng kanilang nasyon.

Pumayag si Kim sa ‘’complete denuclearisation of the Korean Peninsula’’, ang mga katagang pinaboran ng Pyongyang na hindi binabanggit ang matagal nang demand ng US na isuko ng North Korea ang atomic arsenal nito sa ‘’verifiable’’ at ‘’irreversible’’ na paraan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa una nitong pag-uulat tungkol sa landmark summit, naglabas ang official KCNA news agency ng glowing dispatch sa mga pag-uusap, na inilarawan nitong ‘’epoch-making meeting’’ at makatutulong para maitaguyod ang ‘’a radical switchover in the most hostile (North Korea)-US relations’’.

Nakasaad sa ulat na inimbitahan nina Trump at Kim ang isa’t isa na bumisita sa kani-kanilang bansa.

‘’The two top leaders gladly accepted each other’s invitation,’’ sinabi ng KCNA.

Sa blockbusting press conference matapos ang summit, sinabi ni Trump na ititigil ng US ang military exercises kasama ang Seoul -- isang bagay na matagal nang hinihiling ng Pyongyang, na sinasabing ang drills ay rehearsal para sa pananakop.

‘’We will be stopping the war games which will save us a tremendous amount of money,’’ ani Trump sa reporters, idinagdag na ‘’at some point’’ nais niyang iurong ang US troops mula sa South.

BAGONG PANAHON

Sinabi ni Trump na nakatulong ang summit nila ni Kim para mailayo ang mundo sa ‘’nuclear catastrophe.’’

‘’The World has taken a big step back from potential Nuclear catastrophe!’’ tweet ni Trump nitong Mares mula sa Honolulu.

‘’No more rocket launches, nuclear testing or research! The hostages are back home with their families. Thank you to Chairman Kim, our day together was historic!’’

Sa summit, binigyang diin ni Trump ang mapapala ng North Korea sa pagtalikod sa nuclear weapons nito at pagsali sa international community -- isang paksa na muli niyang tinalakay sa Twitter.

‘’There is no limit to what NoKor can achieve when it gives up its nuclear weapons and embraces commerce & engagement w/ the world. Chairman Kim has before him the opportunity to be remembered as the leader who ushered in a glorious new era of security & prosperity for his citizens!’’ isinulat ni Trump.

PH NAKASUPORTA

Handa ang Pilipinas na suportahan ang anumang pagsisikap para magbunga ang makasaysayang pagpupulong nina Trump at Kim sa Singapore nitong Martes.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa isang pahayag, na binibigyang-diin ng katatapos lamang na summit ang kahalagahan ng diplomasiya at mapayapang diyalogo para matamo ang kapayapaan sa mundo.

“We welcome the landmark summit between US President Donald Trump and DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) leader Kim Jong Un in Singapore,” aniya kahapon.

Sinabi ni Roque na kinikilala ng Malacañang na ang pagpupulong ng dalawang lider ay simula pa lamang, at nakahanda ang Pilipinas na sumuporta para magkaroon ng positibong resulta ang summit.

“History has indeed been written. At the same time, this is but the beginning of a process. The Philippines is ready and willing to lend its support toward bringing it to fruition,” aniya.

-Argyll Cyrus B. Geducos