Sinibak sa puwesto ang 24 na hepe ng pulisya sa Region 4-B dahil sa hindi pagtugon sa anti-illegal drugs campaign ng Philippine National Police (PNP).

Ang pagsibak sa mga opisyal ay inirekomenda ng Oversight Committee ng PNP, na inaprubahan ni Police Regional Office-4 (PRO-4) director Chief Supt. Emmanuel Licup, matapos makitaan ng hindi magandang performance sa anti-illegal drugs campaign.

Nitong Lunes, tuluyang inalis sa puwesto ang 24 na hepe; apat mula sa munisipyo ng Bongabong, Bulalacao, San Teodoro, at Mansalay sa Oriental Mindoro.

Lima naman mula sa munisipalidad ng Looc, Lubang, Calintaan, Paluan, at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinibak din ang walong hepe sa Aborlan, Agutaya, Balabac, Bataraza, Brooke’s Point, Culion, Linapacan, at Quezon, Palawan.

Gayun din ang hepe sa Irawan Police Station sa Puerto Princesa at sa Sta. Cruz, Marinduque.

Samantala, inatasan ni Licup ang natitirang 53 COP at officers-in-charge na triplehin ang trabaho sa anti-illegal drugs.

-Fer Taboy