Nasamsam ng mga tauhan ng Taguig City Police ang 28 pakete ng hinihinalang shabu at baril sa dalawa umanong tulak ng droga sa operasyon kontra droga sa Barangay Maharlika sa nasabing lungsod, nitong Martes ng gabi.

K a s o n g p a g l a b a g s a Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at illegal possession of firearms and ammunitions ang kakaharapin nina Jimmy Mendoza, 31, tubong Cotabato City, ng Tawi-Tawi Street, Bgy. Maharlika, Taguig City; at Henrietta Senaon, 40, ng Bagtas, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inaresto nina PO2 Myrna Orilla at PO1 Ruben Umbrero ang mga suspek sa Tawi-Tawi St., Quiapo 2, sa Bgy. Maharlika, dakong 11:30 ng gabi.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang residente kaugnay ng ilegal na transaksiyon sa lugar at agad namang nirespondehan ng awtoridad at dinakma ang mga suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod sa 28 pakete ng umano’y shabu, nasamsam din ang isang caliber .22 pistol na kargado ng siyam na bala.

-Bella Gamotea