Arestado ang 13 katao matapos umanong maaktuhang bumabatak ng droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Taguig City, nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Southern Police District (SPD), unang naaresto sina Ryan Paycana, 34; at Daniel Alcala, 49, kapwa umano umiiskor ng droga sa Block 10, Lot 1, Phase 1, sa Barangay Pinagsama, Taguig City, dakong 6:00 ng gabi.

Nakumpiska kina Paycana at Alcala ang dalawang pakete ng droga at drug paraphernalia.

Nahuli rin umano sa aktong humihithit ng shabu sina Amir Launio, 34; Bryan Caraga, 32; Recuerdo Antonio Gatbonton, 32; Tritan Basco, 28; Felix BolaÑos, 28; Glenn Villar, at Darwin Marcos, kapwa nasa hustong gulang; Dennis Delos Reyes, 31; Marron James Ramirez, 23; Patrick Trespeces Arroyo, 22; at Paul Rivera, 31, sa Block 4, Lot 1, Phase 2, Bgy. Pinagsama, dakong 7:15 ng gabi.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nasamsam sa mga suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu, na may bigat na 0.6 gramo, at drug paraphernalia.

Nakakulong ang mga suspek sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella Gamotea