NEW YORK (AP) — Tumabo sa television rating ang NBA Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.

NAKISALAMUHA sa mga tagahanga si Kevin Durant sa gitna ng pagdiriwang ng back-to-back championship ng Golden State Warriors sa victory parade. (AP)

NAKISALAMUHA sa mga tagahanga si Kevin Durant sa gitna ng pagdiriwang ng back-to-back championship ng Golden State Warriors sa victory parade. (AP)

Ang Game 3 at 4 ng Warriors-Cavaliers series ang pinakapinanood sa television nitong nakalipas na linggo, ayon sa ulat ng Nielsen company. Ito ang ikaapat na sunod na season na nagtuos sa Finals ang magkaribal.

Kung kaya’t may panghihinayang ang ABC Network nang hindi nakaisa ang Cleveland para sa posibleng makaabot sa Game 7 na tiyak na kabig ang network.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa buong linggo nitong Hunyo 4-10, ang top 10 shows sa aspeto ng viewerships ay NBA Finals: Golden State at Cleveland, Game 3, ABC, 17.94 million; NBA Finals: Golden State at Cleveland, Game 4, ABC, 16.24 million; “America’s Got Talent,” NBC, 11.24 million; “60 Minutes,” CBS, 8.01 million; “Celebrity Family Feud” (Sunday) ABC, 7.57 million; NHL Stanley Cup Final: Washington at Vegas, Game 5, NBC, 6.6 million; “The Big Bang Theory,” CBS, 6.54 million; “Tony Awards,” CBS, 6.313 million; “World of Dance,” NBC, 6.312 million; at “Young Sheldon,” CBS, 6.18