Nasa kabuuang P630 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa anim na katao sa buy-bust operation sa Pasay at Pasig City, iniulat kahapon.

Sa Pasay, umabot sa P130,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang iniimbestigahan sina Wilson Del Monte y Cervantes, alyas Papay, 37, miyembro ng Sputnik; Mark Rogero y Alvarado, alyas Agoy, 23; John Paul Tungalan y Arcile, alyas Paul, 20; at Mike Kenneth Quioyo y Santiago, alyas Mike, 27, pawang ng Estrella Street, Barangay 14, Zone 1, Pasay City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), binentahan umano ng mga suspek ng P500 halaga ng droga ang poseur-buyer.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, sa Pasig City, nasa P500,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa dalawang lalaki.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pinangalanan ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang mga suspek na dinakma sa Bgy. Palatiw, Pasig City. Mahaharap ang anim na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella Gamotea at Fer Taboy