Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa Internal Security Operations (ISO), o ang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga komunista at iba pang rebeldeng grupo sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na dalawang elite forces na ng pulisya—ang Special Action Force at Public Safety Units—ang regular nang nagsasagawa ng operasyon laban sa mga rebelde sa Luzon at sa ilang bahagi ng Visayas.

“This is already gradually being turned over to us with regard to Luzon and Visayas. Our police forces have been conducting operations in Luzon and Visayas,” ani Albayalde. “Kaya nga gagawin natin ito to train our new recruits on commando forces of SAF. Whether you will be assigned with the SAF or not, they will now undergo the training because of that foresight that eventually the ISO will be returned to us from the military.”

Aaron Recuenco

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho