NANINIWALA ang aktor na si Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando na hindi magandang tingnan na kapwa artista pa ang magkakalaban sa pulitika.

Philip copy

Ayon kay Daniel, dapat ay mag-usap at magkasundo ang dalawang nasa showbiz industry na magtulungan kaysa magtapatan para sa isang lokal na posisyon.

Nakikiusap na rin ang bise gobernador sa Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT), na kilala bilang Actor’s Guild, na magsulong ng batas o resolusyon hinggil dito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinakiusapan ni Daniel ang KAPPT, na kasalukuyang pinamumunuan ni Imelda Papin, na sana ay aksiyunan kaagad ang hiling niyang ito. Iginiit ng bise gobernador na dapat ay walang artista na magtatapatan sa pulitika, at sa halip ay makabubuting magtulungan na lang sa pagsisilbi sa taumbayan.

Ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon ay may mga artistang maglalaban sa isang lokal na posisyon, gaya sa Maynila, kung saan matunog ang usap- usapang tatapatan si Mayor J o s e p h “Erap” Estrada ng dati niyang vice mayor na kapwa galing sa showbiz industry na si Social Welfare Undersecretary Isko Moreno.

Ma t a t a n d a a n d i n na unang nagtapatan sa eleksiyon sina Daniel at ang kaibigan pa rin naman daw niyang si Philip Salvador noong 2016, na napagwagian nga ng una.

“Sa halip na ma g k a l a l a b a n tayo, eh, magsanib-puwersa na lang. Iisa lang naman a n g m o t i b o n a t i n g l a h a t , ang makatulong s a a t i n g mg a nasasakupan,”sey pa ng bise gobernador nang pasyalan namin siya sa Bulacan.

Dagdag pa ni Daniel, maraming posisyon naman daw ang maaaring takbuhan, kaya dapat daw na mag-uusap ang dalawang taga-showbiz at magbigayan na lang, huh!

“Sana kung kinausap ako ni Philip (Salvador) bago pa siya nagdesisyon na kalabanin ako, eh, maganda ‘di ba? Kumbaga, marami namang posisyon. Puwede namang senador, bokal at iba pang local position dito sa Bulacan,”sey pa rin ng bise gobernador.

Matunog na kakandidatong gobernador ng Bulacan si Daniel sa susunod na taon, kaya marahil ganun na lang ang pagtutok niya sa mga proyektong ginagawa at gagawin pa niya.

Ito marahil ang dahilan kung bakit medyo matatagalan pa bago masundan ang huling proyekto ni Daniel sa telebisyon, ang Ikaw Lang Ang Iibigin. May mga offer kasi sa aktor na diretsahan niyang tinanggihan.

Tinanggihan din ni Daniel na makasama sa The General’s Daughter, na napakaganda sana ng role niya. Pero prioridad daw niya ang trabaho bilang bise gobernador, bukod pa sa may mga tatapusin pa raw siya bilang paghahanda sa susunod na national elections, huh!

-JIMI C. ESCALA