Maituturing na huwad ang tinatamasang kalayaan ng bansa kung napaglalaruan ang katarungan ng mamamayan nito, ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Kalayaan kahapon, binatikos ni Tagle ang mga patayan sa bansa na wala na aniyang pinipili: sanggol, kabataan, magulang, lola, pulis, sundalo, at pati mga pari.

Partikular na tinukoy ni Tagle ang kaso nina Henry Acorda, na pinatay sa Slovakia; at Father Richmond Nilo ng Cabanatuan, Nueva Ecija, na pinakahuling pari na pinaslang sa Pilipinas.

Sa kabila nito, nagpahayag ng pag-asa si Tagle na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima at hindi na masusundan pa si Father Nilo.

Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

Samantala, umaapela si Tagle na ipagpatuloy ang pagpapatunog ng kampana ng simbahan tuwing 8:00 ng gabi, bilang pag-alala at panalangin para sa mga namatay.

-Mary Ann Santiago