PAGKATAPOS maisampa ang P20-milyon libel suit laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya ay dumiretso ang grupo ng tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz, kasama ang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, sa opisina ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Joel

Bago pinapasok ang mga kasamang miyembro ng media ay matagal munang nag-usap nang masinsinan ang dalawang kampo. Nagpa-update raw ang alkalde hinggil sa kasong isinampa ng kampo ni Joel.

Ang kasong libelo na isinampa ni Joel ay kaugnay ng naging akusasyon ni Kathelyn na expired na umano ang perfumes na na-deliver sa kanya ng kumpanya ni Joel, ang Aficionado, huh!

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Siyempre, pinabulaanan ito ni Joel, kaya nga nagsampa siya ng libel sa Manila City Prosecutor’s Office laban sa negosyante, na inireklamo rin ng iba pang celebrities, gaya nina Sunshine Cruz, Ara Mina, Ynez Veneracion, at iba pa.

Pero bago ito ay una nang nagsampa ng estafa sa Quezon City Regional Trial Court si Joel laban kay Kathelyn, dahil hindi pa rin umano nabayaran ng huli ang utang kay Joel na aabot sa P40 milyon.

Samantala, medyo nagulat din si Mayor Erap sa iba pang nagreklamo kay Dupaya, lalung-lalo na si Sunshine, na inaanak pala ng alkalde.

Sa naturang pag-uusap din nina Mayor Erap at Joel ay binanggit ng huli na willing daw mag-sponsor ang kanyang kumpanya sa anumang proyekto ng alkalde para sa mga Manileño.

Binanggit din ni Joel na lehitimo siyang taga-Maynila, kaya naman umugong ngayon ang tsismis sa Manila City Hall na kasama raw si Joel sa ticket ng partido ni Mayor Erap para konsehal sa ikatlong distrito ng siyudad.

-Jimi C. Escala