ROME (AFP) – Sinabi ng Italy nitong Martes na hindi nito tatanggapin ang ipokritong leksiyon sa mga migrante mula sa mga bansang tulad ng France, sa lumalaking alitan kaugnay sa 629 kataong na-stranded sa Mediterranean dahil hindi tinanggap ng Rome.

‘’The statements concerning (the humanitarian ship) Aquarius that come from France are surprising ... Italy cannot accept hypocritical lessons from countries that have preferred to look the other way on immigration,’’ sinabi ng bagong populist government sa isang pahayag na unang iniulat ng Italian media at kalaunan ay kinumpirma ng mga kinatawan ng gobyerno sa AFP.

Ito ang sagot ng gobyerno sa akusasyon ni French President Emmanuel Macron ng ‘’irresponsibility’’ kaugnay sa pamamahala ng Italy sa krisis.

‘’The Italian government has never abandoned the almost 700 people aboard the Aquarius,’’ giit ng sagot sa pahayag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang migrants na sinagip ng Aquarius, minamanduhan ng French NGO SOS Mediterranee, ay 30 oras na hindi nakababa sa overloaded na barko habang nagtatalo ang Italy at Malta sa kung sino ang tatanggap sa kanila, bago gumitna ang Spain at nag-alok na padadaungin ang barko ng mga migrante sa port sa Valencia.

‘’After the refusal of Malta to allow the people aboard the Aquarius to disembark there, we received an unprecedented gesture of solidarity from Spain. The same cannot be said of France, which has often adopted much more rigid and cynical immigration policies,’’ sinabi ng Italian government.

Nakatakdang tanggapin ni Macron sa Biyernes si bagong Italian prime minister Giuseppe Conte bago ang European Council meeting sa huling bahagi ng buwang ito para talakayin ang migration.