TINAPOS ng Philippine men’s Fiba 3x3 team ang kampanya sa ginaganap na FIBA 3x3 World Cup sa matikas na 19-12 panalo sa 3rd-ranked Russia Lunes ng gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

TUMUMBA sa gitna nina Fil-Canadian Christian Standhardinger (kaliwa) at Roger Pogoy ang Canadian player nang mawalan ng balanse sa pick-and-roll play sa kaagahan ng kanilang laro sa FIBA World 3x3 Championship nitong Lunes sa Philippine Arena sa Bulacan. Naolats ang Pinoy, ngunit nagapi ang Russia. (RIO DELUVIO)

Ilang oras matapos ang kanilang nakapanlulumong 1-point na kabiguan sa Canada (19-20) na pormal na nag-eliminate sa Pinoy cagers, bumawi ang home team na binubuo nina Stanley Pringle, Troy Rosario, RR Pogoy at Christian Standhardinger sa kanilang huling laban.

Tinapos ng Pinoy 3x3 squad ang kanilang kampanya na may patas na markang 2-2.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pumangatlo sila sa Pool C kasunod ng walang talong Canada (4-0) at Mongolia(3-1) na siyang umusad sa quarterfinals.

Tumapos si Pringle na may siyam na puntos kasunod si Rosario na may walong puntos upang pangunahan ang panalo.

Sa kabila ng kabiguan ng men’s at women’s 3x3 squads, may nalabi pa ring laban na maaaring ipagmalaki ng mga Pinoy matapos pumasok ng finals nina David Carlos sa side events na FIBA 3x3 World Cup Slam Dunk at Shootout finals na idinaos din kahapon habang isinasara ang pahinang ito.

-Marivic Awitan