Naabala ng mga kilos-protesta ang unang Independence Day speech ni Pangulong Duterte kahapon, bagamat nanatiling kalmado ang presidente at nagpahayag pa nga ng pagmamahal at respeto sa mga hayagang bumabatikos sa kanya.

Nakalusot sa pagbabantay ng awtoridad ang isang grupo ng mga raliyista at iginiit nila ang pagbibitiw sa puwesto ni Duterte sa paulit-ulit na pagsigaw ng: “Hunyo a dose, huwad na kalayaan” at “Duterte, patalsikin! Pasista”, sa aktong magsisimula nang magtalumpati ang Pangulo sa Kawit, Cavite.

Saglit na napahinto si Duterte, habang pinagdadampot naman ng mga pulis ang mga raliyista para ilayo sa lugar.

“Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand,” sinabi ni Duterte habang kumakaway sa mga nagtipun-tipon sa harap ng Aguinaldo Shrine para makiisa sa selebrasyon ng ika-120 Araw ng Kalayaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Our Constitution guarantees freedom of the press, freedom of assembly and free expression so I would just advise the law enforcement to just deal with them peacefully and the maximum tolerance,” dagdag ng Pangulo.

“We may not understand each other but at least there is a common denominator and that is love of country. Nobody but nobody can ever question sa pagmamahal ko sa bayan,” aniya pa. “Mahal ko kayong lahat. Pati na ‘yun nagprotesta, mahal ko rin sila.”

Sa kanyang talumpati, binigyang-pugay ni Duterte ang mga bayani ng bansa na nagsipagbuwis ng buhay para mapalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop mahigit isang siglo na ang nakalipas.

Genalyn D. Kabiling