TARGET makabalik ni dating World Boxing Federation (WBF) super featherweight champion Harmonito dela Torres sa world ranking sa pagsabak sa walang talong si WBC Asian Boxing Council Continental lightweight titlist Yongqiang Yang ng China sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur Malaysia.

dela Torres

dela Torre

Magsisilbing undercard ang laban nina Dela Torre at Yang sa WBA welterweight title bout nina Lucas Matthysse ng Argentina at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Sa huling laban ni Dela Torre napabagsak niya sa 2nd round ang maestilong si Tugstsogt Nyambayar ngunit nagwagi sa puntos ang Mongolian Olympian kaya nakalasap siya ng unang pagkatalo sa sagupaan sa Las Vegas, Nevada noong Nobyembre 18, 2017.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bagama’t may perpektong rekord si Yang na 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, inaasahang patutulugin siya ni Dela Torre na may sapat na karanasan at beterano ng malalaking laban sa United States at Macao, China.

May kartadang 19 na panalo, 1 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts, at gustong magka-rematch kay Nyambayar para muling makapasok sa pandaigdig na listahan ng mga boksingerong puwedeng kumasa sa world title fight.

-Gilbert Espeña