Nangako ang China na papatawan ng disciplinary actions ang coast guard personnel nito sakaling mapatunayan ang maling ginawa ng mga ito mga Pilipinong mangingisda sa Panatag (Scarborough) Shoal.

Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na hindi kinukunsinti ng China ang anumang aksiyon ng coast guards nito na makasasama sa mga manginngisdang Pinoy.

Ito ang ipinahayag ni Zhao matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo ang hinaing ng mga mangingisdang Pinoy sa gitna ng mga ulat regular na kinukuha ng Chinese coast guards ang magagandang isdang nahuli nila sa Panatag.

“If there is any misconduct conducted by the Chinese Coast Guards, those individuals will be punished and the rules will be there. As a rule, we do not allow Chinese Coast Guards to do whatever, to do anything that is harmful to the Filipino fishermen,” sinabi ng ambassador sa panayam ng mga mamamahayag sa sidelines ng pagdiriwang ng ika-12 Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite kahapon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“They will be disciplined in accordance with our own regulation,” ani Zhao, na sandaling nakausap ang Pangulo sa freedom rites.

Sinabi niya na sinimulan ng China ang “very serious and responsible” na imbestigasyon sa umano’y pagsamsam ng mga nahuling isda ng ilang miyembro ng coast guard.

BARTER TRADE?

Gayunman, lumutang sa inisyal na pagsisiyasat na ang insidente ng pagkuha ng isda ay bahagi umano ng “barter trade,” at hindi harassment, ayon sa ambassador.

“The initial investigation of both sides reflect that this is not harassment, this is not confiscation. It is some sort of barter trade, which have been going on for quite some time,” ani Zhao.

“When your fishermen need food, particularly when they need food water, the Chinese fishermen, Chinese Coast Guard will exchange these with their catch,” dugtong niya.

Ngunit sakaling mapatunayan na ang pagkuha ng mga isda ng mga mangingisdang Pinoy, sinabi ni Zhao na dapat itong ituring na “isolated incident.”

“It should not reflect the whole picture of the bilateral relationship and should not reflect the whole arrangement with regard to the fishing in the waters around Huangyan or Scarborough,” aniya.

Nagrereklamo ang mga mangingisdang Pinoy na regular na sumasampa sa kanilang mga bangka ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard at sapilitang kinukuha ang kanilang mga magagandang isdang nahuli sa Panatag Shoal.

Tiniyak ni Zhao na malaya pa ring makapangisda ang mga Pilipino sa Panatag Shoal batay sa friendly arrangement na nabuo sa pagpupulong nina Chinese President Xi Jinping at President Duterte noon.

-Genalyn D. Kabiling