Halos P100,000 halaga ng ari-arian ang nasunog sa pagliyab ng apoy sa isang bangko at furniture warehouse sa magkahiwalay na barangay sa Quezon City, iniulat kahapon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa report ni Quezon City fire marshall, Fire Sr. Supt. Manuel Manuel, umapoy ang section office ng UCPB Branch sa Katipunan Avenue, Quezon City, dakong 10:30 ng gabi kamakalawa.

Sa maagap na pagresponde ng mga pamatay sunog ng BFP, agad naapula ang apoy sa ganap na 11:00 ng gabi. Nasunog ang mga computer na aabot sa P20,000 ang halaga at walang iniulat na nasaktan, ayon sa arson probers.

Samantala, sa ulat ni Fire Chief Insp. Rosendo Cabillan, nilamon ng apoy ang isang furniture warehouse sa may Zorra Street, Barangay Paltok, Quezon City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinasabing faulty electrical wiring ang sanhi ng apoy sa naturang bodega na nagsimula sa ganap na 3:00 ng hapon.

Makalipas ang kalahating oras, tuluyang naapula ang apoy. Walang iniulat na nasaktan habang nasa P80,000 ang halaga ng naabo.

-Jun Fabon