Pitong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto ng Makati City Police sa magkasunod na buy-bust operations sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), unang nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati Police, sa pangunguna ni Senior Insp. Valmark C. Funelas, sa Rockefeller Street, Barangay San Isidro sa nasabing lungsod, dakong 2:30 ng madaling araw.

Naaresto ang apat na suspek na sina Jonathan Sunga y Arevalo, alyas Athan, 27; Roberto Arevalo y Cabas-an, alyas Pura, 57; Ronel Abarquez y Cabidon, alyas Bingoy, 40; at Leopoldo Concepcion y Gonzales, alyas Poldo, 48, pawang ng Rockefeller St., Bgy. San Isidro, Makati City.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money. Samantala, kalaboso rin sina Rowel Torres y Lagahit, 45; at Julius Abrogar y Naputo, 41, kapwa ng 2620 Borneo St., Bgy. San Isidro, Makati City; at Elizabeth Abrogar y Mendoza, 45, ng Guatemala St., Bgy. San Isidro ng nasabing lungsod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ulat ni Sr. Insp. Funelas, nadakip ang tatlo matapos bentahan ng droga ang poseur buyer sa Borneo St., sa Bgy. San Isidro, dakong 3:00 ng madaling araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pakete ng umano’y shabu at P500 buy-bust money.

Nakakulong ang pitong suspek sa Makati Police at sasampahan ng Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Bella Gamotea