Pito sa 10 Pilipino na gumagamit ng Internet ang naniniwala na mayroong seryosong problema sa pagkalat ng fake news sa iba’t ibang social media platforms, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Natuklasan sa nationwide survey ng SWS, isinagawa mula Marso 23 hanggang 27, na 67 porsiyento ng Pinoy Internet users ang naniniwala na ang fake news sa online ay seryosong problema (40% ang nagsabing ito ay very serious, 26% ang nagsabing ito ay somewhat serious).

Samantala, 13% ang nagsabing hindi ito seryosong problema (9% ang nagsabing somewhat not serious at 4% ang nagsabing not serious at all).

Halos 20% ng Internet users ay undecided sa isyu.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagresulta ito sa net score na +54 (percentage ng serious minus percentage ng not serious), na 11 puntos na mas mababa sa net +65 (73% serious, 8% not serious) sa survey noong Disyembre 2017.

-Ellalyn De Vera-Ruiz