DALAWANG manlalaro mula sa NCAA sa katauhan ni Mark Taladua ng Letran at Prince Carlos ng College of St. Benilde ang magtutuos sa kampeonato ng Hanes One-On-One King of the Hardcourt sa Filoil Flying V Preseason.

Nakaabot sa finals na magaganap bago ang fund raising game ng Ateneo at La Salle ngayong 4:00 ng hapon ang rookie mula De La Salle Zobel na si Carlos matapos talunin sina Kenneth Mocon, ng San Beda, at Maui Sera-Josef ng Arellano sa eliminations at si Eric Jabel ng Mapua.sa semifinals.

Salto naman sa finals ang beteranong si Taladua na pumalit sa orihinal na entry ng Knights na si Bonbon Batiller matapos nang mamayani kontra kina Ateneo rookie Jason Credo at Univesity of the Philippines entry JJ Española..

“It’s incredible to make it all the way to the finals,” ani Carlos. “I just hope to do my school proud.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Malaking karangalan para sa akin mag-represent ng Letran dito. Sana may maibigay din ako sa school ko,” ayon naman kay Taladua.

Ang magkakampeon say Hanes One-On-One King of the Hardcourt ay tatanggap ng premyong P20,000.

-Marivic Awitan