Napatay ng mga tauhan ng anti-scalawags group ng Philippine National Police (PNP) ang isang opisyal ng pulisya na umano’y protektor ng isang drug lord sa Cebu, sa buy-bust operation sa Mandaue City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde ang suspek na si Senior Insp. Raymund Hortezuela, nakatalaga sa Negros Occidental Provincial Police Office.

Ayon kay Albayalde, bago ang insidente ay naglatag ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) at ng Mandaue City Drug Enforcement Unit ng Mandaue Police headquarters laban kay Hortezuela sa Barangay Tipolo, Mandaue City.

Na k a h a l a t a uma n o s i Hortezuela na mga pulis ang kanyang katransaksiyon at bumunot ng baril at nakipagbarilan sa pulis hanggang sa siya ay bumulagta.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa imbestigasyon, nagpaalam umano si Hortezuela sa nakatataas nitong mga opisyal na pupuntang sa Cebu upang dumalo sa isang pagdinig sa korte at agad pinayagan.

Si Hortezuela umano ang protektor ng big-time drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz na napatay naman ng pulisya sa anti-illegal drugs campaign sa Las Piñas City noong Hunyo 17, 2016.

Nasamsam sa pinangyarihan ang pitong basyo ng bala ng caliber .45 pistol, habang nakuha naman sa kanyang kotse ang isang supot na naglalaman ng 75 pakete ng umano’y shabu, isang .45 caliber pistol, isang 9mm Gloc pistol, at isang sling bag na naglalaman ng P68,000.

May ulat ni Fer Taboy

-AARON RECUENCO