Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde sa lahat ng police commander nito na proteksiyunan ang mga paring may banta sa buhay.

Sa isang press conference sa Camp Crame, inihayag ni Albayalde na inatasan na niya ang kanyang mga pulis na makipag-ugnayan sa mga simbahan at parokya sa komunidad para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pari.

Ginawa ito ni Albayalde kasunod na rin ng pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, ng Cabanatuan diocese.

Si Nilo ay binaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki habang ito ay nagmimisa sa isang chapel sa Barangay Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija nitong Linggo, bandang 5:00 ng hapon.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

“Ngayon lang tayo nakakita na sa mismong altar siya binaril. Hindi natin maintindihan kung bakit ganoon,” pahayag ni Albayalde.

Bumuo rin si Albayalde ng isang special investigation task group (SITG) upang maimbestigahan nang husto ang insidente at matukoy na rin ang mga suspek.

“As of Monday morning, the SOCO [Scene of the Crime Operatives] is still on the crime scene doing technical investigation. No motive yet and no suspects,” ayon sa kanya.

Paglilinaw ni Albayalde, hindi dapat gawing batayan ang nasabing insidente sa kalagayan ng bansa.

“Hi n d i n ama n s i g u r o p’wedeng maging gauge na may namatay na pari. Hindi naman araw-araw may namamatay na pari. These are isolated cases,” sabi pa ni Albayalde.

Ayon naman kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi ito palalampasin ng Palasyo at gagawing prayoridad ng pamahalaan ang hustisya para kay Nilo.

Hu s t i s y a a t p a t a s n a imbestigasyon ang panawagan ng Diocese ng Cabanatuan sa nasabing kaso.

-Martin A. Sadongdong, Fer Taboy, Beth Camia, at Mary Ann Santiago