BOCAUE, Bulacan — Sibak na sa kompetisyon ng FIBA 3x3 World Cup ang Perlas Pilipinas, ngunit may dahilan para magdiwang ang Pinoy fans.

PINUKAW ni Janine Pontejos ang atensyon ng mga foreign rivals sa impresibong performance ng Perlas Pilipinas sa women’ division ng FIBA World 3x3 Championship. Umusad din sa semifinals ang 21-anyos na si Pontejos sa three-point shootout. (FIBA)

Matikas na nakihamok si Janine Pontejos para pangunahan ang finalist sa three-point shootout – side event ng torneo – na ginaganap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Kumana si Pontejos ng anim na two-pointers tungo sa kabuuangh 22 puntos para manguna sa qualifying round. Nasa likod niya ang liyamdong si Jiaying Jiang ng China sa unang 10 players na sumabak sa torneo.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Gaganapin ang huling qualifier at ang finals Lunes ng gabi.

Bago ang shootout, pinangunahan ni Pontejos ang Perlas sa 17-21 kabiguan sa Spain sa natipang 13 puntos