MAY presscon bukas, Wednesday, si Dingdong Dantes para sa documentary na Amazing Earth na kanyang iho-host. Sa June 17 ang pilot nito at every Sunday na ang airing. Sa presscon, malalaman ang time slot nito at ang ibang ipe-feature na episodes, directed by Rico Gutierrez.

Marian at Dingdong copy

Malalaman din natin kay Dingdong kung kailan ang airing ng anniversary episode ng Tadhana, kung saan ididirek niya ang asawang si Marian Rivera. Si Marian ang host ng drama anthology, na magbibida sa isang anniversary episode, at mapapanood na this June.

Sabi ng mga taga-production, isang hands-on director si Dingdong. Sinasabi niya sa mga artista ang emosyon na gusto niyang ilabas ng mga ito at mapanood ng viewers.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ano ang masasabi ni Marian kay Dingdong as her director?

“Well, ang weird lang isipin, kasi before kasama ko siya as partner. Ngayon siya ‘yung nagdi-direct sa akin. Wala namang ilangan kasi ako gagawin ko ‘yung trabaho ko. Tapos siya ginagawa niya ‘yung trabaho niya, tulungan.”

Nauna si Dingdong sa location ng taping, at kuwento niya, sa first taping day ni Marian ay maaga itong dumating at very pleasant pagbaba pa lang sa sasakyan.

Dalawa sa siguradong hindi makalilimutang usisain ng press kay Dingdong ay ang plano niya sa pulitika at ang tungkol sa napabalitang siya ang makakasama ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival entry nito. Pero, ang latest, si Richard Gutierrez na raw ang makakasama ni Vice sa pambato nito sa MMFF, pantapat sa entry naman nina Vic Sotto at Coco Martin.

Siyempre, iko-congratulate rin si Dingdong sa box-office success ng movie nila ni Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story), na sa loob lang ng 11 days ay kumita na ng P117 milyon. Kasunod na nito ang international screening ng movie.

-Nitz Miralles