Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagre-regulate sa pagpapraktis ng criminology profession sa bansa.
Bumoto ang 192 kongresista sa House Bill (HB) 7191 o ang “Philippine Criminology Profession Act”, na inakda nina Reps. Gary Alejano at Maximo Rodriguez, Jr. para amyendahan ang Republic Act No. 6506 o “An Act Creating The Board Of Examinees For Criminologists In The Philippines”.
Sa ilalim nito, lilikha ng Professional Regulatory Board of Criminologists, isang collegial body na nasa ilalim ng administrative supervision at kontrol ng Professional Regulation Commission.
-Bert de Guzman