SINGAPORE (AFP) – Ibinuhos nina US President Donald Trump at North Korean Supreme Leader Kim Jong Un ang mga huling paghahanda kahapon para sa inaabangang makasaysayang summit nila ngayon araw para maplantsa ang mga gusot kaugnay sa nuclear arsenal ng Pyongyang.

ONE-ON-ONE Magaganap ang makasaysayang pagpupulong nina US President Donald Trump (nasa itaas) at North Korean leader Kim Jong Un, sa Sentosa Island ng Singapore, ngayong araw. Sisikapin ng dalawang bansa na makabuo ng kasunduan para sa kapayapaan sa Asia-Pacific region. (AFP file photo)

ONE-ON-ONE Magaganap ang makasaysayang pagpupulong nina US President
Donald Trump (nasa itaas) at North Korean leader Kim Jong Un, sa Sentosa
Island ng Singapore, ngayong araw. Sisikapin ng dalawang bansa na makabuo ng
kasunduan para sa kapayapaan sa Asia-Pacific region. (AFP file photo)

Ang pagpupulong ngayong araw ang una para sa isang nakaupong US president at sa leader ng North Korea, at mangyayari ito ilang buwan matapos ang matinding pangamba sa pagpalitan ng magkabilang panig ng matitinding insulto at banta ng digmaan.

‘’I just think it’s going to work out very nicely,’’ sinabi ni Trump sa working lunch niya kasama ang prime minister ng Singapore, kung saan gaganapin ang pagpupulong.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama ni Kim sa Singapore ang kanyang kapatid na babae ay close aide na si Kim Yo Jong.

Halos tatlong oras na nagpulong ang mga opisyal ng dalawang bansa sa isang hotel para maayos ang mga isyu sa ‘denuclearisation’’, na malaking bagay sa dalawang partido.

Unang maghaharap ang dalawang lider, one-on-one sa closed session, bago ang mas malaking pagpupulong kasama ang kani-kanilang advisers, sinabi ng mga opisyal ng US.

Ayon sa isang senior White House official, ‘’feeling good’’ si Trump at open-ended ang summit.

‘’It could be two days. They will talk for as long as they need to,’’ anang opisyal na tumangging pangalanan.

Matindi ang seguridad at armado ang mga pulis na nakabantay sa summit-related venues sa buong city-state.

Sa labas ng Istana, ang presidential palace kung saan nagkita sina Trump at Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, nagwagayway ang well-wishers ng American flags at isang bata ang may dalang karatula na may nakasulat na: ‘’I love President Trump!’’

Tinawag ng official KCNA news agency ng North ang summit na ‘’historic’’, at sinabing magaganap ito sa ‘’changed era’’ at ‘’under the great attention and expectation of the whole world’’.

Inilarawan ng isang opisyal ng White House ang North Korean reporting na ‘’a sign for optimism’’.