BINALAAN ng International Swimming Federation (FINA) ang mga miyembrong asosasyon, kabilang na ang Philippine Swimming Inc. (PSI), na huwag lalahok sa mga kompetisyon na walang pahintulot ng federasyon.

Ito ang nakasaad sa memorandum na ipinadala ni FINA Executive Cornel Marculescu kamakailan sa mga miyembro nito na huwag makipag transaksyon sa mga grupo na hindi kinikilala ng pederasyon.

Bunsod umano ito ng nalalapit na kompetisyon na International Swimming League na wala umanong kapahintulutan buhat sa FINA.

“Recently, Fina has been aware of a so-called international competition International Swimming League which Fina does not recognize,” ayon sa pahayag ni Marculescu. “For the sake of clarification, the International Swimming League is neither recognized by nor affiliated to Fina. Further, Fina has neither sanctioned the competitions organized by this entity, nor approved their sanction by other Fina bodies,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi pa FINA n a hindi nila kikilalanin ang anumang resulta o record buhat sa nasabing kompetisyon.

“Consequently, the competitions of the International Swimming League are not Fina sanctioned nor Fina approved. They are not part of the international calendar. The results and records achieved in these competitions are not and will not be recognized,” ayon pa kay Marculescu.

Kasalukuyang nasa pangangasiwa ni dating Philippine Representative to the International Olympic Committee (IOC) Frank Elizalde ang swimming sa bansa matapos ibasura ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas ang eleksyon ni Lani Velaco.

Nauna rito, nagwaging lider ng Philippine Swimming Inc. si Olympian Ral Rosario na kinukwestyun naman ng grupo ni Velasco.

Kamakailan, nakipagkasundo si Rosario sa Philippine Swimming League (PSL), na pinamumunuan ng dati ring Olympian na si Susan Papa.

Nakatakdang sumabak ang mga swimmers ng dalawang grupo sa Southeast Asian Age Group Competition sa Hulyo.

Gayunman, si Velasco ang siyang kinikilala ng FINA na presidente ng PSI.

-Annie Abad