Hiniling ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa local government units (LGUs) na makipagtulungan sa pagpapanatili ng tamang lugar para sa mga motorista at pedestrian sa national roads at mga bangketa.
Ito ay kasunod ng isa pang bugso ng clearing operations ng DPWH-National Capital Region sa kahabaan ng Road Radial 10 (R-10) sa Maynila.
Tinukoy ni DPWH-NCR director Melvin Navarro ang pabalik-balik na mga sagabal sa kalsada sa R-10, katulad ng mga sasakyan, vendor, basura, permanente at pansamantalang mga istruktura bilang mga dahilan ng pagkakaantala ng proyekto ng pamahalaan sa lugar.
“Note that while we are doing our best to improve and widen our national roads especially here in Metro Manila, we can’t maximize its use with persistent road encroachment that can be prevented if only people obey the 6-meter easement rule of road right-of-way (RROW),” ani Navarro.
-Mina Navarro