SA unang pagkakataon ay magko-concert sa Pilipinas ang Grammy-winning artist na si Chance the Rapper.

Chance

Inihayag kahapon ng American rapper na kabilang ang Pilipinas sa apat na Asian cities na lilibutin niya para sa kanyang self-titled tour.

“I’m playing Asia for the first time y’all,” tweet ni Chance.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Itinakda sa Agosto 22 ang Manila concert niya, habang magtatanghal din siya sa Osaka, Tokyo at Singapore.

Sa wakas, mapapakinggan na ng Pinoy fans ni Chance ang mga awitin mula sa critically-acclaimed album niyang Coloring Book kapag nagtanghal siya sa Mall of Asia Arena sa Agosto.

Mabibili ang ticket sa concert ni Chance mula P1,060 hanggang P7,950. May pre-sale nito sa SM Tickets sa Hunyo 26, at sisimulan na ang malawakang bentahan ng tickets kinabukasan, Hunyo 27.

Nagpasikat ng mga awiting Blessings at No Problem, nagkaroon din ng collaborations si Chance sa iba pang artists na gaya nina Justin Bieber, DJ Khaled, Kanye West, at Cardi B.B.

-Manila Bulletin Entertainment