Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang terorista na umano’y bomb expert habang napatay naman ang 15 tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagsalakay sa pinagkukutaan ng mga ito sa Maguindanao, nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay 6th Infantry Division (ID) commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ng Philippine Army (PA), si Ustadz Anwar Ali, 22, alyas Abu Omar, ang kilalang bomb specialist ng Dawlah Islamiyah Toraife group.

Isinagawa ang pagsalakay sa pinagtataguan ng grupo sa hangganan ng Pagalungan at General Salipada K. Pendatun, Maguindanao.

A y o n s a m i l i t a r , nakipagbarilan sa tropa ng pamahalaan ang mga miyembro ng grupo ngunit matapos ang isang oras na bakbakan, na ikinasawi ng 15 tauhan ng BIFF, ay sumuko rin ang dalawa sa kanila, kabilang sina Anwar Ali at Asnaya Ali, 20.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasamsam sa kanila ang isang cal. 50 sniper rifle at isang cal. 5.56mm ng M4 carbine.

“We will not allow these terrorists to spoil the peace in Central Mindanao. We will protect the people against those who espouse violent extremism,” sabi pa ni Sobejana.

-Francis T. Wakefield