Inihihirit ni MAGDALO party-list Rep. Gary Alejano ang mas malaking budget para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dahil sa presensiya ng mga banta sa loob at labas ng bansa.

Ipinanunukala niya na ilaan ang dalawang porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) – halos P350 bilyon – sa defense spending bawat taon.

“Kailangang lakihan ho natin kasi malaki ang pangangailangan natin, externally and internally,” aniya.

Sinabi niya na ang P350 bilyon ay dapat na ilaan bawat taon para sa AFP modernization program upang matamo ang “credible defense.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“We are at the mercy of those who have the intention of violating our rights, our sovereignty…which is what’s happening right now,” ani Alejano, na ang tinutukoy ay ang pananakot ng China sa West Philippine Sea.

-Charissa Luci-Atienza