DAHIL Fathers’ Day na sa June 17, inalam namin kay Tony Labrusca kung ano ang plano niya, at kung sino ang kasama niyang mag-celebrate nito.

11

Pinalaki kasi si Tony ng stepfather niya sa loob ng 18 years, sa Canada, dahil nang mabuntis ang mama niyang si Ms Angel Jones ay hiwalay na ito sa biological father niya, ang aktor na si Boom Labrusca.

“Well, because of hectic schedules po, laging last minute. Last year po biglaan lang kasi nagkataon ‘yung La Luna (Sangre) mall show tapat sa Fathers’ Day, so, nag-celebrate na lang kami right after.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“So this year, I hope to celebrate it with both my dads, may stepfather is in CamSur (Camarines Sur) right now, and my biological dad, Boom, I don’t know where he’s right now. I think he (Boom) just visited my brother in Palawan, kasi my brother is based in Palawan now. So, I’m gonna ask him if my brother is in town again so we can have him also for dinner. I want to celebrate it sana with both my dad sana, but not at the same time.”

Tinanong namin kung tinawag na niyang Daddy o Papa ang biological father niya, dahil sa tuwing nagkukuwento ang singer/actor ay “Boom” ang banggit niya sa ama.

“Yeah!,” kaswal na sagot ng binata. “Parang right now, more on bros kami, eh (sabay ngiti). Para kaming magkapatid. Actually, I don’t call him by his first name. Paano nga ba? Basta, I don’t call him by his first name.

“Basta, I just think that there’s a man who raised me and it’s very disrespectful just to give away the name Dad from somebody who’s with me the whole time and to just give it to somebody who just came into my life. I don’t know. I wanna respect everybody but at the same time, I call my stepfather Dad because he was around,” paliwanag na mabuti ni Tony.

Ibinalik pa ang tanong sa amin kung anong mapi-feel ng nanay na nagpalaki sa anak na ang tawag ay Mama at sa nanay na kailan lang nagpakita na tatawagin ding Mama.

“I love my fathers, you know what I mean. I feel people look at the wrong idea,” pahayag pa ng binata.

Hindi naman lahat ng tinatawag na Daddy ay magkakadugo. Puwede rin namang hindi, lalo’t inaruga ka simula noong bata pa.

“The relationship, the trust, the bond that we build. I love both of them. I wouldn’t be here if wasn’t for either of them you know what I mean? So, I’m always gonna have a highest respect for them,” sabi ni Tony.

Samantala, ilang taon palang si Tony sa career niya ay nag-iisip na siya ng business, dahil alam naman niyang hindi pang-habambuhay ang showbiz, Inumpisahan na nga niyang makipag-partner kay JR Cruz, ngWBC Food Kiosk, na nag-conceptualize ng Deja Blend on-the-go beverage.

Bukod sa partnership nina Tony at JR, ang aktor din ang tumatayong endorser at marketing manager nito.

Sa katunayan, naghahanap si Tony ng puwesto na malapit sa ABS-CBN na puwede niyang pagtayuan ng Deja Blend, para sa ganu’n ay nasisilip niya ang negosyo niya kapag may libreng oras siya.

Magaling mag-market ng produkto si Tony, dahil naikuwento niya na noong nasa high school siya sa Canada, kapag may projects silang magkakaklase ay siya ang laging tagapagsalita.

Ayon kay JR, may Deja Blend kiosk na sila sa Taytay, sa Sta. Mesa at mabubukas sila sa Legarda sa July 8, at sa Divisoria 999 Mall. May negotiations na rin para sa SM Malls.

“Mas inuna muna namin ang launching ni Tony as our ambassador para may mukha na ang Deja Blend,” sabi ni JR.

Sa nakita naming presyo ng Deja Blend ay mas mura ito kumpara sa mga kilalang milk tea store ngayon. Higit sa lahat, konti lang ang caffeine kaya hindi ito nakakaapekto sa pagtulog.

Kabilang sa mga produkto ng Deja Blend ang Frappuccino, Pearl Shakes, Mill Tea at Lemonoids. Sa mga interesadong mag-franchise, mag-email lang sa [email protected].

-REGGEE BONOAN