Dalawang lalaki, kabilang ang isang police officer, ang sugatan sa pinakabagong pag-atake ng riding-in-tandem sa Caloocan City, nitong Sabado ng umaga, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na sina PO2 Allan Palaming, 42, nakatalaga sa Manila Police District Headquarters Unit; at Rex Librando, 38, may-ari ng junk shop, kapwa ng Barangay 120 sa Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo si Palaming sa tapat ng junk shop ni Librando sa kahabaan ng Rizal Avenue nang sumulpot ang riding-in-tandem bandang 9:00 ng umaga.

Bumaba ang back rider na suspek at tinangkang agawin ang baril ni Palaming. Gayunman, tumanggi ang pul i s kaya pinagbabaril siya sa balikat at likod.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Si Librando, na nasa loob ng kanyang junk shop, ay tinamaan ng bala.

Humarurot ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon habang ang mga biktima ay isinugod sa ospital at nagpapagaling.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng hindi tukoy na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Kate Louise Javier